Tuesday, April 23, 2019

Importansya ng Kalikasan sa mga Tao

        Ang lahat ng mga nakikita ng ating mga mata ngayon ay nanggaling sa kalikasan. Sa kalikasan nanggaling ang pagunlad ng mga tao pati na ang kabuuang paraan ng pamumuhay. Subalit sa kasalukuyan, ang tao na mismo ang kalaban ng kalikasan. Sa panahon ngayon, hindi na pinapahalagahan ng mga tao ang mga nasa kapaligiran nila. Unti-unti nilang tinatalikuran at sinisira ang kalikasan. 
Sa mundo natin ngayon, ang kapaligiran natin ay puno na nang mga istrukturang likha ng mga tao. Mga konkretong bahay, mga sementadong kalye, at mga nagtataasang gusali ang ating namamataan ngayon. Tulad ng larawan na ipinapakita sa taas, ang mga istruktura ng mga tao ang nakapaligid sa mga puno ng kalikasan. Kung tutuusin, ang kalikasan na lamang ang nakikisingit sa lugar ng mga tao.

Ang mga larawang ito ay kuha sa Bonifacio Global City sa Taguig o BGC kung tawagin. Ang BGC ay isang magandang ehemplo ng pagsira ng tao sa kalikasan. Ayon sa nakalap na impormasyon, ang kinatatayuan ng mga gusali sa BGC ay isang talahib na lugar noon. Ngunit sa kagustuhan ng mga taong palaguin ang kanilang teritoryo, sinira nila ito at pinagtayuan ng mga sementong gusali. Ang dating mga puno na nakatayo sa Taguig na tumutulong sa pag gawa ng malinis na hangin ay napalitan na ng mga istruktura ng mga taong dumadagdag lamang sa dumi at polusyon sa ating mundo. 



Ang mga larawang ito ay nagpapakita ng epekto ng pagkasira ng kalikasan dahil sa hindi pag alaga ng mga tao sa kalikasan. Madudumi at maiitim na mga ilog, polusyon, pagkasira ng mga bukirin na taniman ng mga palay. 

https://drive.google.com/uc?export=view&id=18nBV6bsrnDozXDgC4GWxbHucxy2N5VK1
https://drive.google.com/uc?export=view&id=1OrXqKSqrYclSJRveGcgHx1pWQLH_VMDh
https://drive.google.com/uc?export=view&id=17z0RESWtjRlggfXTJPTkH6qqVKGJJAfE
https://drive.google.com/uc?export=view&id=1kmHXWEnyDUfPmBtj_b1MPqFDm4Wjih36
Ang mga larawang ito ang ehemplo ng milyun milyong mga istrukturang gawa ng mga tao. Ang mga ito ay nilikha ng mga tao para sa kanilang mga pangangailangan at dahil na din sa pagunlad ng teknolohiya kaya posible nilang gawin ang mga iba't ibang mga istrukturang ito. Subalit, mas kailangan ng mga tao ang kalikasan ng higit pasa lahat ng istrukturang likha nila. Ito'y sa kadahilanan na nakadepende padin ang mga tao sa likas na yaman ng kalikasan at kung hindi dahil dito, walang kaunlarang mangyayare sa pamumuhay ng mga tao.
https://drive.google.com/uc?export=view&id=14zvf8qIc35tlOpqlaj-wAaLUxt2fkRPQ
https://drive.google.com/uc?export=view&id=1QM00UEseYwstHQqcNyN7LIx4QmmZl3d6
https://drive.google.com/uc?export=view&id=15XEkrkVkaetjicuDU35IO3VGUTKQyG5L
https://drive.google.com/uc?export=view&id=12KBmViCfgmF8ysG3OT_MjiisKHA3xIJD
Tulad ng mga larawang ito, hindi lang ang tao ang kayang gumawa ng magagandang mga istruktura dahil ang kalikasan mismo ang unang gumawa ng mga magagandang tanawin dito sa ating mundo. At dahil di kaya ng mga tao ang mabuhay ng hindi nakadepende sa kalikasan, dapat ay alagaan nila ang ito at isipin din nila ang kapakanan nila kapag tuluyan nang nasira ang kalikasan.